Reading, Writing, Walking
Tuesday, November 25, 2008
 


FLYING ON MORE THAN WINGS AND A PRAYER






"You only live once. Make it count, learn to fly."

Fighting words indeed, I thought. It was a sunny Sunday morning, and I was standing inside the Angeles City Flying Club (ACFC) premises with my friends Theo and Heston, browsing through their brochure.

First, a bit of background. Theo, apparently finding his medical studies not taxing enough and pursuing his lifelong dream to be an aviator, had taken the Sports Pilot certification course offered by the ACFC, and had actually been a licensed pilot for the past few years.

The club claims to be the only full-service ultra-light aviation facility in the country. Tucked away in Sitio Talimundok, Sta. Maria, Magalang, Pampanga, our drive from Metro Manila this morning was a breeze, taking a mere 90 minutes.

This would be the first flight for Heston and I. As we waited for our plane to become available, we spent quite a bit of time roaming around the hangar, looking over the various plane models parked there as well as watching other aircraft take off or land. Truth be told, getting up the air seemed a daunting prospect, as I was a certified world-class acrophobe. My mind was working overtime concocting all sorts of nightmare scenarios. Like, what if a 747 runs us over? Or the gas tank springs a leak?

My initial apprehensions turned into a veritable tsunami of trepidation as I caught sight of our aircraft of choice. It was called the Quicksilver MXL II, and quite contrary to my expectation of a small aircraft wherein the pilot climbs into the cockpit in front and his passenger sits at the back seat, this was an OPEN cockpit two-seater. Essentially, the pilot and passenger sit side-by-side, equipped only with an instrument panel, joystick and pedals for steering and braking. Literally and figuratively, there is almost nothing between you and the great blue sky. Yikes!

Heston had volunteered to be Theo's first passenger. Theo and the ACFC personnel assiduously went through the routine pre-flight check-up to ensure everything was in top condition. Heston was securely buckled up onto his seat, and given goggles and helmet to wear. The pilot and passenger can communicate with each other up in the air, as their helmets have built-in radio transmission. (No barf bags though) In the very remote event that the engine fails and they need to bail out, pulling a lever releases a rocket-propelled parachute, enabling the plane to make a soft landing.

Theo further assured me that the mechanics make a complete disassembly and inspection of each aircraft every 25 hours of flying time. They are cleared for take-off, and disappear into the horizon. After what seems like ages, they re-appear and gradually loom larger and larger until touchdown.

I half-ran over to them. Heston looked a bit dazed, although none the worse for wear. "Not scary," he assured me, while giving a thumbs-up sign. "The flat fields make it hard to judge how high up you are, anyway." But then, Heston has never been one to be easily scared. I mean, he can watch Dracula or Nightmare on Elm St. movies with nary a flinch, while eating fried chicken.

Showtime. It was now my turn.

"Can't we just hover 50 feet above the ground?" I half-pleaded plaintively, as we went through pre-flight routine once more. Unfortunately, my brilliant suggestion was met with resounding indifference.

The control tower cleared us for take-off. Despite all the reassuring safety measures, I was sweating bullets as we gathered speed along the 450-meter grass runway. We were off! The ground below grows increasingly farther away as we steadily climb until reaching an altitude of about 500 feet. Rather disconcertingly, when you are up in the air, you feel as though you are hardly moving.

Top Gun this isn't. Not even Iron Eagle, for that matter.

But this is actually a positive thing. There is time to savor the hot sun and feel the rush of cold wind blowing at our faces and marvel at the verdant expanse of rice fields with an odd carabao or two grazing contentedly in the mud. We head towards the direction of Mt. Arayat, where thankfully some forest cover still remains.

Strong winds buffet the plane, but it remains surprisingly stable. The air is now quite chilly, and I wish I had anticipated the cold and worn a jacket. While my nerves are mostly calm now, I still maintain a vise-like grip on one of the support beams. Theo puts on his best bedside manner (the guy is, after all, a neurosurgeon) and provides droll commentary on the various points of interest we were flying over. Banking sharply away from Mt. Arayat, we fly over more rice fields and farms, and eventually follow the path of the Pampanga River.

At this point, it dawned on me that ultra-light flying is actually very safe. With maximum altitudes of 800 feet and top speeds at 55-60 kph, my wild fears earlier were all but unfounded.

Besides, once you are up in the air with such a great birds' eye-view of Philippine countryside, you just can't help but wonder at nature's grandeur all around you, and time seems to move unhurriedly. For an ephemeral period, I felt totally free of any cares.

Theo offered to let me try manning the controls for a second, but sadly, I reverted back to my usual acrophobic self and failed to rise to the occasion. Soon, it was time to go back to the airfield.

We steadily reduced altitude and started preparing for landing. I couldn't figure out where the airfield was, and wondered aloud to Theo how pilots of these ultra-light planes could tell direction. "I mean, North is what is in front of me, right?" He shot me a you're-bloody-useless-with-a-compass-look and concentrated on the task at hand. He expertly maneuvered the plane towards the runway at high speed and made a semi-steep dive towards it. Whew!

Back to the safe familiar confines of terra firma, I felt a mixture of relief and accomplishment. True, this plane ride ranked among the scariest and longest 30 minutes of my life, but it was definitely among the most exhilarating 30 minutes as well! I would like to think I faced my fears head-on and came out a winner.

As we were driving along North Expressway back to Manila, I vowed to myself that I should come back someday for another round of open cockpit flying. . .and perhaps take the controls next time? Hah!




Sunday, October 26, 2008
 


SPEEDING ON THE EXPRESSWAY IN BOMBAY
(Part One, Mumbai-HK)




That old saying comes to mind: When in Mumbai, do as the Mumbainites (Mumbaiers? Mumbites? Bombay bombers??) do.

The sun was shining unbearably hot during the middle of the afternoon. Having finished the day's work, my friend JPL and i were looking for a way to get back to the cozy, airconditioned confines of our hotel, Grand Hyatt Mumbai.

Having been fleeced big-time by a taxi driver earlier that morning, who refused to use the meter and insisted on charging us a fixed rate, JPL and i paid no heed to the taxi drivers clamoring to take us back to our hotel. Heck, if i knew how to say "Go to hell!" in Hindi, i would have done so.








So we decided to take a chance on a tuktuk, basically a souped-up tricycle (see above pic).

Unfortunately, the drivers were quite tricky and wanted to charge us a fixed fee as well, instead of using their meters. After some half-hearted protestations and muttered curses underneath our breaths, JPL and i capitulated due to the searing heat and agreed to the sum of INR150 (around US$3.00).

"Well, what can we expect? They're all Indians!" I shrugged resignedly.

There was some confusion with regards to our destination. According to Samit, our driver, "There are two Hyatt hotel, the Grand Hyatt and the Hyatt Regency. One is near domestic airport, another near international airport. Which one you in?"

JPL replied, "Grand Hyatt."

With a rather diffident look on his face, he started again, "There are two Hyatts. . . ."

I cut Samit off, "We are at Grand Hyatt!"

After so more back and forth exchanges, the terrible truth dawned on us: Samit didn't know which Hyatt was near which airport!

He asked, "Can you call them [the hotel]?"

Quite annoyed by now, i retorted, "We don't know the number!"

He persisted, "Address? Is it near Sahar airport?"

JPL and i looked at each other quizzically. We didn't know our hotel's address, nor had we heard of Sahar airport! I hesitantly replied, "It's off the expressway. . ."

But this was no help at all. Fortunately, JPL was able to fish around in his pockets for the hotel key card; and finally, it became clear to Samit where he was supposed to take us.

Samit turned out to be a whirling dervish on the road, wheeling in and out of traffic as though his pants were on fire. With all the overtaking and swerving he did, we came within inches of colliding not only with other tuktuks, but also with motorcycles, taxis, trucks and even a bus or two.

Check out the pic below, showing the view from the backseat of the tuktuk:






Of course, our ride would not have been complete without the obligatory tourist chatter. Samit asked, "First time in Mumbai?"

After hearing our assent, he smiled and asked further, "You like it?"

"Hell, NO!! Your city stinks to high heavens, the roads are dusty and full of beggars and all you taxi and tuktuk drivers are nothing but a bunch of cheats and the traffic is horrible and the heat is even more horrible!!!" was what went through my mind and was at the tip of my tongue.

But playing the nice tourist for once, i merely said, through gritted teeth, "Yes, nice place." Hell, i felt my nose getting longer by the second. Grrrr!!

Samit asked, "You from Nepal?"

I wanted to give a sharp retort, "No, we're from Timbuktu!" But JPL, being the kind person that he was, set him straight as to our country of origin.

Upon JPL's inquiry, Samit informed us that his tuktuk used Compressed Natural Gas (CNG) and oil, not gasoline or diesel.
Efforts to have a continued conversation were hampered by the honking horns, rumbling motors and street noise.

Which was just as well. We pressed him regarding exactly what type of oil was he using, but dropped the matter, as Samit had the disconcerting habit of taking his eyes off the road and tilting his head to the right side, so he could look at us while talking.

"Look out!" i cried, as we barely missed falling into a roadside ditch by inches.

Eventually, we arrived at the Grand Hyatt Mumbai a bit shaken, not stirred, happily with all limbs intact.

Oh, as i reached for my wallet to pay Samit the agreed-upon sum of INR150, he smiled and said, "INR200 [around US$4.00] please, due to long distance."

With our comfy hotel room beckoning, i did not even bother to argue and handed over the Rupee notes. (Sigh) Fleeced again!



Labels: ,


Wednesday, September 10, 2008
 
Ang Pagbabalik sa Caticlan

Naglayon akong magtungo sa Camiguin pagkatapos ng aking maikling bakasyon sa Caticlan pero pinigil ako ng aking pilay sa tuhod. Kinailangan kong magtungo sa ospital halos araw-araw upang magpa-physical therapy. Ayon sa aking physical therapist, maaari naman akong magbiyahe basta hindi ako maglalakad masyado. Sa tinuran niyang ito, naging masigasig akong sundin ang lahat ng mga bilin ng aking manggagamot.

Kaya naman napakahirap para sa akin ang desisyong huwag tumuloy. Kung sakali, ito kasi ang aking unang pagkakataong magtungo sa Camiguin. Hindi ko matutukoy kung gaano karaming lakaran ang magaganap. Magkakalayo pa mandin ang mga gusto kong puntahan. Mas mainam kung ipapahinga ko ang aking tuhod at umasang kakayanin ko na sa susunod na linggo. Natapos ang aking therapy dalawang linggo makalipas.

Ang kalikasan naman ang humadlang noong sumunod na linggo. Kahit na lakbay na lakbay na ako, makakabuting tumigil na lamang ako sa bahay sa aking rest days. Idagdag pa natin ang umpisa ng klase sa pamantasan. Naatasan agad akong maghanda ng presentasyon para sa isang klase sa susunod na linggo.

Naging bakante ako, sa wakas, noong huling linggo ng pagkabisa ng aking adventure pass. Nagpa-book ako ng lipad sa aking rest days. Pinaalalahanan ako ng isang kawani sa kanilang tanggapan na isang araw lamang ang maaari kong gamitin. Wala akong nagawa kundi magpa-book ng lipad pabalik sa Caticlan nang ika-walo ng umaga at pauwi sa Maynila nang ika-lima ng hapon. Kung ibabawas ko ang oras na ilalagi ko sa paliparan, masasabing anim na oras lamang ang aking bakasyon. Nakakabitin kung iisipin pero inisip ko na lamang na hindi lahat ng tao ay may ganitong pagkakataon upang masilayan ang kagandagan ng naturang isla.

Natatandaan kong napanood ko sa bus ang isang episode ng Extra Challenge bago ako tumulak. Dahil tinawag nila itong “Walang Liguan sa Boracay Challenge”, ang mga kalahok tulad nina Jen Rosendahl at Mickey Ferriols ay hindi maaaring maligo sa loob ng dalawang araw. Ilan sa kanilang mga pagsubok ay magpaunahang matunaw ang isang piraso ng mantikilya sa kanilang tiyan at paggamit ng hilaw na itlog bilang volleyball. Tunay na napakahirap nito kung ganoon kalalagkit ang dadapo sa iyong katawan. Lalo na kung sadyang mapanukso ang paglapit ng mga alon sa buhangin.

Ang palabas na ito ang nagsilbing inspirasyon ko upang hamunin ang aking sarili ng “Walang Banlawan at Walang Kainan sa Boracay”. Dapat kong igugol ang aking maikling panahon sa paglangoy at pagpapa-tan lamang! Ang pagligo naman ay sa Makati na magaganap. Hindi ko na kailangang maghanap ng matutulugan kaya posible naman ito. Ang pag-iwas sa pagkain? Ito ang tunay na hamon! Naisip kong kakayanin ko naman kasi hindi ko na maaabutan ang pagbukas ng buffet sa Station 3. Marami akong kinain bago lumipad bilang paghahanda rito. Kahit na batid kong papansin at marupok sa tukso ang aking tiyan, umaasa akong mananaig pa rin ang aking hangaring manalo.

Sa pagkakataong iyon, naging madali ang aking pagtungo sa isla mula sa paliparan. Natatandaan ko pa ang daan. Naging magaan ang lahat, tila wala akong baong agan-agam. Kumpara sa aking unang biyahe, isang see-through beach bag lamang ang aking dala. Tuwalya, sarong, damit na pampalit, cellphone at pitaka lamang ang aking dala. Naka-tankini at bikini na ako sa ilalim ng aking puting t-shirt at capri pants. Subalit, nalimutan ko pa ring magdala ng ponytail. Kailangan ko ito sa aking paglangoy upang hindi bumuhaghag ang aking buhok pagkatapos. Dahil dito, sa talipapa ang aking unang destinasyon sa isla.

Masyado pa yatang maaga para sa talipapa. Hindi pa bukas ang karamihan ng mga tindahan. Medyo natagalan ako sa paghahanap ng mabibilhan ng ponytail. Sa katunayan, hindi ko labis na naibigan ang disenyo ng aking nabili. Kailangan ko lamang talaga.

Nakunsensiya akong lisanin ang naturang pamilihan nang walang binibiling pasalubong. Wala talaga akong balak mag-uwi. Sariwa pa sa aking damdamin ang hinanakit sa aking nanay. Natagpuan ko kasi ang inuwi kong malaking bag para sa kanya sa aking silid. Inunahan ko na rin ang aking mga kaibigang huwag umasang makakapagdala ako ng pasalubong dahil nagtitipid ako. Pinilit kong kalimutan ang sumagi sa aking diwa. Hindi dapat makaramdam ng kalungkutan sa aking bakasyon!

Dinala ako ng aking mga paa sa Station 1. Mas gusto ko kasi ang buhangin doon kaya minabuti kong doon magtampisaw. Naghanap ako ng banyo upang makapaghubad ng damit. Naglatag ako ng sarong, nagpahid ng tanning lotion at tumakbo sa tubig-dagat upang maglublob. Napansin kong puro lumot ang nakalutang sa tubig. Ang tabing-dagat nama’y tadtad ng mga basura. Ang salaula naman ng mga turistang nauna sa akin!

Maya maya’y bumalik ako sa aking sarong upang magbilad. Tulad ng nakagawian, naghukay muna ako ng ilang dipa ng buhangin upang hindi mahirapan ang aking dibdib. Mataas na ang araw kumpara sa nakaraan kong pagpapa-tan. Umasa akong mas magiging madali ang lahat. Ang aking adhikain bago umuwi? Magpa-itim. Iyong tipong isusuot na lamang ako sa plastik, daing na ako.

Tulad ng dati, halinhinan ang paglangoy at pagbilad ko. May pagkakataong nakakarinig ako ng bulong na magsadya muna sa Jonah’s bago bumalik sa aking puwesto sa buhangin. Pero hindi ako nagpa-alipin sa tinig na iyon.

Nang tanghali na, nahalata kong lumalakas ang puwersa ng tubig. Hindi ko na kailangan pang umahon, dinadala na ako ng alon sa buhangin kahit labag sa kalooban ko. Kahit kapag nasa tabing-dagat lamang ako, napapaatras ako sa lakas ng pagtulak sa akin. Minsan pa’y hinahampas ako ng mga lumot, kahoy at mga basurang lumulutang dito. Hindi ko ito ininda. Matagal-tagal din akong nasabik sa Boracay. Hindi ako aalis.

Pero nakuha ko ring umalis. Hindi ko matiis ang kalam ng aking sikmura. Nagtungo ako sa isang kainan upang pawiin ang aking gutom. Tinanong ng kahera ang aking pangalan pagkatapos kong um-order, mukhang ililista niya sa aking resibo. Natigilan ako nang sandali at sumagot, “Vivian”.

Habang nasa hapag, bigla kong naalala sina Cherry at Alex. Kamusta na kaya sila? Nasa isla pa rin kaya sila o bumalik na sa Iloilo? O baka naman sa Maynila? Nagdalawang-isip ako kung papadalhan ko sila ng mensahe. Natakot akong baka pilitin nilang puntahan ako kung naroroon pa sila. Masaya pa mandin akong walang kasama. Pero nangibabaw pa rin ang hangad kong mangamusta. Ipinaalam ko sa kanilang kasalukuyan akong nagpapakabusog sa isla. Wala akong natanggap na tugon.

Hindi roon nagtapos ang utos ng aking tiyan. Bumili rin ako ng chocolate-peanut milkshake. Hindi ko pa ito nasusubukan. Huli na nang maalala kong naiwan ko ang bote ng Jonah’s nang nakaraan kaya dapat nagpa-takeout ako upang magkaroon ng bagong bote. Nakakaulol kasi ito sa sarap! Papasok pa lamang ako, tinakasan na ako ng aking diwa.

Matapos nito, nagsadya ako sa isang banyo upang buhusan ang mga buhangin sa aking mukha, dibdib, hita at sa iba pang bahagi ng aking katawan. Pandaraya ba ito? Hindi naman ako naligo. Nagpalit na rin ako ng damit. Muli kong sinuot ang aking capri pants at sinuot ko ang baon kong itim na t-shirt.

Hindi ganoon kadaling tanggaping malapit na akong umuwi. Naglakad-lakad ako upang pagmasdan muli ang buong isla. Napansin kong kakaunti na ang mga turista kumpara sa una kong pagdalaw. Palibhasa’y patapos na kasi ang Hunyo noon. Nakakasunog ang sikat ni Reynang Araw. Matatandaang maraming pumigil sa aking tumulak sapagkat halos bahain na ang Makati sa lakas ng ulan kagabi. Buti na lamang at hindi ako nagpaawat. Hindi rin naman sigurong masama kung uulan sa Boracay. May nabasa ako sa isang in-flight magazine kung saan may isang banyagang sa isla nakatira na nagwikang higit na kaaya-aya ang kulay ng karagatan ng Boracay kapag tag-ulan. Higit pa roon, matagal na akong hindi nakakaligo sa ulan. Walang kapantay ang malayang pakiramdam na nakakamit ko kapag ginagawa ko ito kasama ng aking mga kapatid. Tunay na nangungulila ako sa ganoong pagkakataon.

Natigil ang aking balintataw nang masilayan ko ang isang grupo ng mga batang naglalaro sa buhangin. Hindi sila bumubuo ng kastilyo. Tila gumagawa sila ng aquarium. Nasa lumang lalagyan ng ice cream ang mga maliliit na isda. Nakatunghay sila rito. Ang ilan naman ay tila nangingisda upang makapagdala ng bagong isdang ilalagay rito. Hindi ko man nauunawan ang kanilang sinasabi, batid kong naaaliw sila sa kanilang ginagawa.

Tumatak din sa aking isipan ang mga kumpanyang ginamit ang mga bangka bilang pagkakataon upang iendorso ang kanilang produkto. May namataan pa akong bangka na ang disenyo ay kawangis talaga ng humps. Pinili kong ibaling sa iba ang aking paningin. Umiiwas ako sa mga alaala ng siyudad!

Subalit dumating na ang takdang oras ng aking pagbabalik. Wala na akong pilay pero tila mabigat ang aking mga hakbang. Sa pagkakataong iyon, naging makatotohanan ang aking pagtanggi sa mga nag-alok na buhatin ako paakyat ng bangka. Nangungusap naman ang aking mga mata sa aking huling tanaw sa karagatan. Matatagalan marahil ang aking pagbabalik.

Hindi naman naulit ang mga pagtatanong ng mga guwardiya ukol sa aking pag-iisa. Pero nagtagal ako sa boarding terminal, hindi pamilyar ang mga kawani sa adventure pass na ipinakita ko. Naturingan pa mandin silang empleyado ng Seair! Ako pa ang nagpaliwanag kung ano ito. Hindi naman napigilan ng isang lalaking usisain kung totoong mag-isa lamang ako. Tumugon ako, baka may nakikita silang kasama ko na hindi ko napapansin. Hindi na ako nagpaunlak ng paliwanag kung bakit pinili kong mag-isa.

Punong-puno ng tao ang loob ng paliparan. Nahuli yata ang eroplanong nakatakdang lumisan bago ako dumating kaya naman siksikan ang mga turista rito. Wala akong maupuan. Sa mga ganitong pagkakataon, hindi ako umaasang may lalaking titindig upang ibigay ang kanyang upuan. Hindi rin naman mabigat ang aking dala kaya hindi na masama. Hindi rin nagtagal, dumating na ang eroplanong kanilang hinihintay. Nakaupo rin ako agad.

Kalahating oras rin ang aking hihintayin bago lumapag ang eroplanong sasakyan ko. Sa pagtatangkang aliwin ang aking sarili, ginamit ko ang aking cellphone upang kunan ng litrato ang aking pulang bag. Alam kong magugulantang ang aking mga kaibigan na makitang kakaunti lamang ang aking dala. Hindi ako natutuwa sa resulta kaya paulit-ulit ko itong ginawa. Dumating sa punto na nilipat ko ang monobloc na naglalaman ng aking bag sa harap mismo, upang maaninag ang eroplanong nag-aabang sa labas bilang background. Nang tagumpay ang aking pagkukuha ng litrato, napansin kong nakatitig pala sa akin ang isang grupo ng kabataan.

Ilang minuto pa! Tunay na nakakainip maghintay. Nakaramdam ako nang panghihinayang, sana’y iginugol ko ang oras sa isla. Pero ayoko rin namang mahuli. Sana talaga ay may kakayahan akong mag-astral travel! Nagpadala ako ng mensahe sa ilang kaibigan upang mairaos ang inip. Kinumpirma ko rin sa isang kaibigang tuloy ang aming lakad nang gabing iyon. Panonoorin namin ang aking paboritong bandang tumugtog sa saGuijo. Ipinagyabang ko rin ang tan lines na ipapakita ko sa madla maya-maya. Natuwa naman siya para sa akin.

Wala akong inaksayang oras nang ianunsiyong maari na kaming sumakay sa eroplanong pabalik sa Maynila. Lubos ang aking pagpapasalamat na nasa tabi na naman ako ng bintana. Magiging abala ako sa aking pagsulyap sa mga islang aming dadaanan.

Dahil hindi ko na maaaring gamitin ang aking cellphone, naisipan kong tignan ang aking sarili sa salamin. Lumuwa ang aking mga mata sa tumambad sa akin. Pulang-pula ang aking ilong at kanang pisngi. Sana man lang pati ang kaliwa para pantay. Pasalamat naman akong pantay ang pamumula ng aking mga mata. Isang himala na walang lumalapit sa akin upang sayisatin kung ako ba ay lango sa alak o humithit ng marijuana. Nagimbal rin ako sa buhanging dala-dala ng anit ko. Isang pagkakamali na magsuot ng itim na t-shirt. Hindi ako nalalayo sa mga modelo ng patalastas na may balakubak kuno! Bigla akong nakaramdam ng kahihiyan. Hindi ako si Lorna. Ako si Vivian!

Nang lumapag na ang eroplano, tumalilis ako sa pagtakbo upang makahanap agad ng taxi. Sabi ko’y kailangan naming humarurot patungo sa aking opisina sa Ayala Avenue sa Makati. Nakarating naman kami. Subalit laking malas ko nang mabatid na sarado ang paliguan. Lumipat ako sa iba naming gusali malapit sa Pasong Tamo. Laking pasasalamat ko nang makaligo na ako sa wakas. Mapula pa rin ang ilang bahagi ng aking mukha, pero umasa akong mas makakatawag-pansin ang nakalitaw kong tan lines. Ako na uli si Lorna. At ako lamang ang makakaisip magpunta sa Boracay sa loob ng anim na oras!


Labels: , ,


Thursday, August 28, 2008
 
Pagbabaliktanaw: Aking Karanasan sa Caticlan

Ang aking unang biyahe mag-isa ay hindi ko inaasahan. Hindi pa ako masyadong naglalakbay noon. Sa katunayan, naganap ito sa taon ng 2005: ang taong lubusang umusbong ang aking interes sa pagbiyahe. Sanay naman ako sa biyahe. Laging malayo ang aking paaralan sa aking tirahan mula nang ako ay bata pa. Nagtutungo rin kami ng aking pamilya sa probinsiya ng aking ama sa Maasin sa Timog Leyte at minsan sa Cagayan de Oro upang magbakasyon at makapiling ang aming ibang kamag-anak. Minsan na rin akong sinama ng aking ina kapag may biyahe sila ng kanyang mga ka-trabaho, tulad ng bakasyon nila sa Baguio. Marahil hindi ako maagang namulat sa biyahe sapagkat hindi masyadong mahilig ang aking ina rito. Lumaki naman akong hindi kapiling parati ang aking ama sapagkat naninilbihan siya bilang kusinero sa barko. Kahit na taga-Bicol ang aking lolo (+) at taga-Antique naman ang aking lola, hindi naman sila bumalik doon. Subalit alam kong gusto kong makarating kung saan-saan, salat lang marahil na pagkakataon.


Nag-umpisa ang lahat nang magwagi ako sa isang paligsahan ng pahayagang Philippine Daily Inquirer (PDI). Ang panuto ay hulaan kung sino ang mananalo sa mga kalahok ng isang patimpalak na walang pinagkaiba sa kilalang programang, “The Amazing Race". Laking gulat ko nang makatanggap ng tawag mula sa isang kaibigan, nasa pahayagan raw ang aking pangalan at nagwagi ako sa naturang paligsahan. Nang mabalitaan ko ito, agad-agad kong sinadya ang tanggapan ng Southeast Asia Airlines (Seair) upang kunin ang aking pabuya: ang adventure pass.

Ang pag-aari nito ay nangangahulugang may kakayahan akong magbiyahe sa anumang destinasyon sa Pilipinas sa loob ng apatnapu’t limang araw. Kung hindi ko ito napanalunan, ito ay nagkakahalaga ng P16,500. Kailangan kong ipaalam sa kanila ang aking mga balak upang maisama ako sa bilang ng mga pasahero. Bigla akong nanlumo, kung maaari lamang ibalik ang adventure pass upang mapagplanuhan kong maigi ang lahat at upang makapagyaya ng mga makakasama. Masyado akong nasilaw sa aking pabuya. Tumatakbo ang oras!

Ipinaalam ko sa lahat ng aking kaibigan ang aking premyo. Tulad ng aking inaasahan, natuwa sila para sa akin at nainggit na rin. Niyakag ko silang samahan ako sa aking paglibot sa Pilipinas. Subalit hindi sila pwede. Mayroong kagagaling lang sa bakasyon at wala nang panggastos, mayroon namang hindi magkatugma ang aming iskedyul at karamihan nama’y walang naiipon upang makabili rin ng adventure pass. Kahit isang destinasyon lamang, hindi rin maaari.

Bigla akong nalumbay. Ito na ang pagkakataon kong masilayan ang kagandahan ng mga inaasam kong destinasyon tulad ng Caticlan, Palawan, Batanes at Camiguin, subalit hindi ko naman magagamit. Ang masaklap pa, hindi ako agad-agad makakapagbiyahe sapagkat baguhan lamang ako sa kumpanya noon, hindi pa maaaring lumiban. Bukod pa rito, nataon ang aking pagkapanalo sa aking aplikasyon bilang graduate student sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman noon. Kailangan akong maging libre sa loob ng susunod na dalawang linggo para sa aking nalalapit na pagsusulit at kapanayam. Nataon rin na may sira ang aking kamera nang sandaling iyon. Para sa akin, hindi kumpleto ang biyahe kung walang litrato ng mga tanawin at mga pagkaing masusubukan ko! Hindi ko napigilang isipin na posibleng hindi ito para sa akin.

Taliwas naman dito ang pananaw ng kaibigan kong si Mark. Sa dinami-rami ba naman ng sumali sa paligsahan na iyon, ako pa ang napili. Hinihikayat niya akong magbitiw sa aking tungkulin upang masulit ang aking adventure pass. Ganoon din daw kasi ang gagawin niya kung siya ang nasa kalagayan ko. Tulad ng iba kong kaibigan, hindi niya kayang bumili ng adventure pass. Subalit sagana siya sa mga mungkahi, sa kanya ko nakuha ang ideyang mag-tent na lang upang makamura. Hindi ko naman kayang bitawan ang aking trabaho, lalo na’t kailangan kong tustusan ang sarili kong pag-aaral at sagutin ang ilang gastusin sa bahay. Wala rin naman akong ipon. Dumating pa nga sa punto na nakiusap ako sa tagapangasiwa ng Seair upang bigyan si Mark ng diskwento upang may makasama ako at binida ko ang kakayahan niyang manghimok at ang kanyang malawak na network. Sumang-ayon naman ito subalit kulang pa rin ang sampung porsyentong diskwento para kay Mark.

Nang matapos ang aking pag-aasikaso para sa aking pagbabalik-eskwela, naging madali ang desisyon kong tumulak mag-isa. Pumasa ako sa UP, kaya’t nararapat lamang na magdiwang. Sa Boracay! Nagtungo ako sa tanggapan ng Seair upang ipalista ang aking paglipad. Itinaon ko ito sa aking araw ng pahinga sa opisina, ika-labingtatlong araw mula nang maangkin ko ang premyo. Uuwi rin ako ng hapon kinabukasan para makapasok sa opisina kinabukasan.

Nagitla naman si Mark nang mabalitaan ang aking hangaring magtungo sa isla mag-isa. Lalo na kung ito ang aking unang pagkakataong magsadya roon. Tulad niya, pag-aalala rin ang naging reaksyon ng iba kong kaibigan. Alam kong mapanganib ang aking layunin subalit sayang naman ang adventure pass kung hindi ko gagamitin. Hindi rin naman sumagi sa isipan kong ibenta ito sa iba.

Nagtanung-tanong ako sa mga nakapunta na sa Boracay upang ihanda ang aking sarili. May nagsabi sa akin na para lang itong Puerto Galera, pagdating ko sa isla, maraming mag-aalok ng kwartong matutulugan. Samantala, si Mark pala ay hinagilap ang kanyang kaibigang si Alex upang hanapan ako nang matitirahan. Nakabase siya mismo sa isla.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ukol dito. Nakakataba ng puso na may kaibigan akong gagawa ng paraan upang masiguro ang aking kaligtasan. Pero tila nabawasan ang misadventure na nag-aabang sa akin. Inisip ko na lang na manggagaling ako sa magdamagang trabaho at mahaba-habang biyahe kaya isang ginhawa na rin na may agad akong matutuluyan.

***

Nang lumapag na ang eroplano sa maliit na paliparan ng Caticlan, nadaig ng kasabikan ang aking agam-agam. Nabiyayaan akong makaupo sa tabi ng bintana kaya naman kitang-kita ko ang makapigil-hiningang tanawin mula sa himpapawid. Natuwa rin ako na diretsong Caticlan ang biyahe ng Seair. Hindi ko marahil matatagalan ang inip kung sa Aklan pa at may dalawang oras pang biyahe patungo roon.

Hindi ko alam kung saan ang labasan mula sa paliparan kaya naman sumunod na lang ako sa mga pasahero. Nang mapansin kong ang mga kapwa ko pasahero ay may mga pribadong sasakyan bilang sundo, nagtanong na ako sa mga taong nag-aabang doon. Hindi naman ako mahiyain pagdating sa pagtatanong, lagi kong naaalala ang biro kung bakit umabot ng apatnapung taon ang Exodus ng mga Israelita: hindi kasi nagtatanong ng direksyon ang mga lalaki.

Tinuro nila ako sa sakayan ng mga traysikel. Dadalhin raw ako nito sa pantalan. Naaliw ako sa aking nakita. Mas mahaba at mas maraming tao ang kayang isakay ng traysikel nila. Dalawa sa tabi ng tsuper, apat naman ang kayang umupo sa likod.

Bigla kong naalala ang mga traysikel o “motorella” kung tawagin nila sa Cagayan de Oro. Abot hanggang labing-isang tao ang kaya nitong isakay!

Nang matunton ko ito, nagpadala ako ng mensahe kay Alex na malapit na ako sa isla. Pumila na ako upang bumili ng tiket para sa bangka. Hiwalay pala ang pila para sa mga lokal at sa mga dayo. Pinasagot nila ako ng isang sarbey na naglalayong alamin ang aking profile at paraan at dalas ng pagtungo sa Boracay.

Nakatanggap ako ng mensahe kay Alex, nasa isla pa raw siya. Ihahatid niya pabalik ang kanyang bisita kaya hintayin ko na siya. Nagulat naman akong susunduin niya pa ako sa pantalan. Ang akala ko’y sa isla na mismo kami magkikita. Kaya naman tumambay muna ako sa pantalan. Tulad ng mga nababanggit sa akin kapag nagpapakuwento ako sa aking mga kaibigan ukol sa kanilang karanasan sa Boracay, marami ngang mga banyagang dumarayo rito. May napansin akong mga pamilyar na mukha, isa na roon ang isang tagapamahala ng isang resort ng White Beach sa Puerto Galera. Ang iba ay tila nakasabay ko nang mag-ehersisyo sa gym. Marami-rami pa rin pala ang nagtutungo rito kahit tapos na ang tag-araw. Ganoon siguro kaganda roon. Lalong sumidhi ang aking pananabik. Atat na akong lumangoy, maglibot at magpa-tan!

Maya-maya, may mensahe na naman mula kay Alex. Parating na raw siya. Tumugon naman ako at inilarawan ang aking kasuotan upang makilala namin ang isa’t isa. Hindi nagtagal at nagtagpo na rin kami. Wala siyang kasama kaya inisip kong hinatid na niya pauwi ang kanyang bisita. Kaakit-akit ang kanyang kasuotan! Naka-puti siyang pantaas at maikling palda. Kitang-kita ang kanyang pusod, hita at mga braso. Kapansin-pansin rin ang kanyang tan.

Masaya ang kanyang tinig at walang alinlangang bineso ako. Nakakahawa ang kanyang awra at napawi ang aking hiya. Hindi kasi ako sanay makipagbeso sa mga taong noon ko lang nakilala. Kunsabagay, nagkausap na rin kami noon nang pinakilala kami ni Mark sa isa’t isa sa pamamagitan ng isang conference call. Pinaalalahan ko ang sarili na iwan na ang mga inhibisyon sa naturang pantalan. Ilang saglit pa’y nasa paraiso na ako!

Bago kami sumakay sa bangka, pinuri ko ang kanyang bihis. Tumugon naman siyang mga ganoong pananamit ang naiibigan ng mga kliyente niya. Nagulat naman ako na naririto siya upang maghanapbuhay. Nag-umpisa na siyang magkwento na nagbitiw siya sa kanyang trabaho. Nasasakal siya diumano sa iniikutan niyang kalagayan sa Kamaynilaan. Napapatango lamang ako sa kanyang mga tinuran. Totoo lahat ito! Kaya raw sumugal siya at nagtungo sa Boracay upang takasan ang lahat at magnegosyo muna. Isa siyang masahista at ang kanyang “boytoy" (kanyang termino) nama’y naghe-henna tattoo. . Paano na pagdating ng tag-ulan? Paano na kapag wala nang masyadong turista? Nagkibit-balikat lamang siya saka tumugon ng, “Bahala na,”. Nakakamangha ang kanyang kalayaan! Bakit hindi ko kayang maging malaya tulad niya?

Maya maya’y umandar na ang motor ng bangka. May kapalpakan ang pandinig ko kaya hindi ko na siya inusisa pa. Maaalibadbaran lamang siya malamang kung ipapaulit ko lahat ng sasabihin niya. Saka, gustong-gusto ko talaga ang katahimikan kapag nakasakay ng bangka. Sa himpapawid pa lamang, naakit na ako sa kulay ng karagatan. Inasahan kong mas maganda ito kung malapitan. Hindi naman ako nabigo. Nagtatalo ang berde at bughaw! Puting-puti naman ang mga along gumuguhit sa tubig. Bahagya akong tumalikod kay Alex upang higit na mapagmasdan ito. Naibigan ko rin ang malalakas na hampas ng hangin sa aking pisngi, pati ang pakiramdam na wala akong pakialam kung tinatamaan man ng buhok ko ang katabi ko. Gusto kong humiyaw, “Walang ganito sa Makati!”

Nang abot-tanaw na ang isla, napakunot ang aking noo. Napakaraming tao! Naunawaan ko na rin ang binanggit sa akin ng kaibigan kong si Mitch na halatang hindi masusing pinag-aralan ang magiging disenyo nito. Tabi-tabi ang mga kainan at tindahan! Sa aking pakiwari, may igaganda pa ito.

Bago pa tuluyang dumaong ang bangka sa Station 1, nagsilapitan na ang mga lokal. Alam ko na ang kahulugan nito. Binalaan na ako ni Cleo kaugnay dito. Napailing ako nang makitang nagpabuhat ang mga banyaga sa mga nag-aabang na taga-roon. Triple pa sila sa bigat ng mga bumubuhat sa kanila! Alam naman nilang isla ang pupuntahan nila, alam nilang mababasa talaga ang mga binti nila bago makaapak sa tanyag na buhangin nito. Bakit pa sila nag-sapatos? Bakit sila magpapabuhat? Naawa naman ako sa mga taga-roon. Para sa halagang limang piso, magbubuhat ka ng humihingang baka na may dalang backpack? Wala naman sigurong magpapabuhat kung walang magbubuhat! Nakunsumi agad ako.

Nang pagkakataon ko nang lumusong sa tubig, may nag-alok na buhatin ako. Palibhasa’y umuusok ang ilong ko, hindi ako makaimik. Marihin akong umiling at maingat na pumanaog. Hinding-hindi ako magpapabuhat sa islang ito!

Nanumbalik ang aking galak nang maramdaman ko ang buhangin sa aking mga talampakan. Nakakabilib ang kaputian nito. Kakaiba rin ang kapinuhan nito, para akong nakatapak sa pulbos. Ang sarap marahil magpagulong-gulong dito!

Bigla kong naalalang kasama ko pala si Alex. Sumunod ako sa kanya. Ipinaliwanag niyang sasakay kami ng traysikel patungo sa aking tutulugan. Hindi naman naging mahirap ang pagtawag ng traysikel. Sumakay kami agad at nagpatuloy sa pagkukuwentuhan. Hindi ko naman maalis ang mata ko sa aming nadadaanan. Probinsiya man ito, maraming mga bar, kainan maging estasyon ng radyo. Pagkapara ni Alex, huminto ang tsuper at siningil na kami. Agad naman akong humugot ng barya. Nakipagtalo naman si Alex sa Bisaya. Maya maya’y pinaliwanag niya sa aking labis ang hinihingi ng tsuper dahil mukha kaming dayo. Ito na nga ba ang pinangangamba ko kapag nagtutungo sa lugar na hindi ako maalam sa kanilang dialekto! Nilingon ko ang mama; napakamot siya sa ulo. Kahit hindi pa nakakabawi sa yamot si Alex, ipinahayag ko ang aking gulat sa kanyang abilidad mag-Bisaya. Ilongga pala siya. Nakakaintindi na siya ng Bisaya noon pero mas nahasa ito simula nang manirahan sila roon.

Tinahak na naming ang daan patungo sa aking tutulugan. Natuwa akong masaksihan ang mga bahay ng mga residente, ang mga batang malayang naglalaro sa daan at ang sulok ng isla na marahil hindi binibisita ng mga banyaga. Ang sarap ng pakiramdam kapag tumutugon sila ng ngiti. Ang payapa talaga sa isang probinsiya!

Habang naglalakad, sinariwa namin ang aming mga karanasan sa kolehiyo. Nakilala niya raw si Mark sa dormitoryo. Iba naman ang tinatambayan kong dormitoryo noon pero natatandaan kong dumadalaw ako sa kaibigan kong tumutuloy malapit sa kanila. Ilang linggo rin kaming nag-shoot ng telesine malapit doon. Pero hindi ko sila nakita noon. Napapatango naman ako sa kwento niyang laging nagyayakag kumain si Mark. Kung saan-saan na rin kasi kami dinadala ng aming katakawan. Siya rin ang parating pasimuno ng pagtungo namin sa mga buffet. Dinagdag pa ni Alex na sinisilipan niya ito kasi nagagandahan siya sa puwet niya. Nagulat naman ako, hindi ako handa sa ganoong antas ng pagbabahagi. Tumugon akong hindi ko napapansin pero sisipatin ko agad pag-uwi. Siya naman ang nagulat. Akala niya raw ay magnobyo kami. Kumuwala ang isang malakas at mahabang halakhak mula sa aking bibig.

Nang lumiko kami sa isang hilera ng mga paupahang kuwarto, alam kong narating na namin ang aming sadya. Tinuro niya sa akin ang dulong kuwarto. Papasok na sana ako sa aking silid nang pinakilala niya ako sa kanyang ate na nagngangalang Cherry. Napadpad siya sa Caticlan upang magbakasyon. Agad niyang inalam ang plano ko. Hindi ako nakasagot agad, wala akong konkretong plano para sa hapong iyon. Tinatanong niya ba ako upang samahan ako? Hindi ko inaasahan ang ganito, ang akala ko ay hahanapan lamang ako ni Alex ng kwarto. Tila nabasa ni Alex ang nasa isip ko. Bago ko isara ang aking silid, nagwika siyang, “Pinababantayan ka ni Mark eh.”

Nang mag-isa na ako sa kwarto, nakaramdam ako ng inis kay Mark. Kalabisan na yatang atasan pa ang ibang tao upang bantayan ako. Ayokong maging alagain at maging sagabal sa kanilang gawain. Nakondisyon ko na ang sarili kong mag-isa akong lilibot sa isla. Hindi man ako batikan tulad niya sa pagbibiyahe, may tiwala naman akong kakayanin ko ito mag-isa. Pero hindi ko naman siyang makuhang awayin sa text. Pasalamat pa rin ako sa kabutihang-loob niya.

Wala naman akong mairereklamo sa aking silid. Maluwag naman ito, pang-dalawahan ang kama, malinis ang kubeta. Wala nga lamang aparador kaya minabuti kong isalansan ang aking mga damit sa kalahating banda ng kama na hindi ko naman magagamit. Kontento na ako sa ganito. Mas maraming oras naman kasi ang igugugol ko sa labas. Kailangan ko lamang ng mapaglalagyan ng mga gamit, kamang matutulugan at banyong mapagliliguan. Hindi ko talaga maunawaan ang mga turistang naghahanap ng mga bagay na nasa siyudad tulad ng computer at swimming pool. Aanhin mo pa ang pool kung may dagat at buhangin naman?

Paglabas ko, naroroon pa rin ang magkapatid at niyaya na akong magtampisaw. Hindi na ako nagprotesta. Nang marating na namin ang tabing-dagat, pinakilala ako ni Alex sa kanyang katuwang sa negosyo/”boytoy" na nagngangalang Jersey. May hitsura siya, kayumanggi, mahaba at kulot ang buhok. Marahil nahalata ni Alex na kahinaan ko ang mga tipo ni Jersey, hiniritan niya akong pwede naming siyang paghatian. Natawa na lamang ako. Batid kong magkakasundo kami ni Alex. Ganoon din kasi ako magbiro.

Panandaliang tinigil ni Jersey ang paghe-henna upang sumama sa aming lumusong. Totoo palang malayo-layo rin ang mararating mo bago tuluyang lumalim ang tubig. Nakakapagpaginhawa ang lamig ng tubig at nakakaatat masilayan ang paglubog ng araw. Nanghinayang ako’t hindi ko dala ang aking kamera.

Natuklasan kong hindi pala nila ginagamit ang kanilang totoong pangalan sa isla. Hindi nila nilinaw kung anong posibleng panganib ang kanilang iniiwasan. Saka isa itong paraan na naisip nila upang takasan ang nakaraan. Naibigan ko naman ang ganon, mas malaya siguro kung gagamit ng ibang persona sa bawat paglalakbay. Agad nila akong bininyagan bilang “Vivian”. Tumutol naman ako, may hindi kanais-nais na alaala ang gumuhit sa isip ko dahil sa pangalang iyon. Pero hindi sila nagpaawat. Vivian na ang binansag nila sa akin simula noon. Pumayag na rin ako, maganda naman kasi ang tunog at ang ibig sabihin nito.

Hindi nagtagal ay umahon na sina Jersey at Alex upang maghanap-buhay muli. Kapag tumitigil kami ni Cherry sa paglangoy, naaaninag ko silang dalawang naglalaro ng Frisbee at nagtatawanan. Parang wala silang suliranin. Sabi ni Cherry, magaan lang ang trabaho pero malaki ang kinikita. Hindi nila kailangang gumising nang maaga, maaari silang matulog pagkatapos ng tanghali na kung tawagin nila ay “mercy hour" at malaki mag-tip ang mga kliyente. Mahina na raw ang tatlong libo sa isang araw. Namilog naman ang mga mata ko. Pwede pala iyon! Malaking kita, maluwag na oras at isang paraiso bilang lokasyon. Bakit nga uli ako nagtatrabaho sa Makati?

Bago pa dumilim at bago ako makaramdam ng gutom, umahon na rin kami ni Cherry. Nagpaiwan sina Alex, mag-aabang pa raw sila ng kliyente. Gusto ko sanang magpamasahe at magpa-henna sa kanila. Pero hindi ako maaaring maligo agad pagkatapos nito. Siguro kung mas matagal ang ilalagi ko sa isla, pwede pa. Bumalik na kami ni Cherry sa silid upang magbanlaw at magbihis. Nasabik siyang tumambay sa mga bar pagkatapos ng hapunan. Sigurado siyang may makikilala ako roon. Agad ko naman itong kinontra. Sa aking pananaw, marami nang bars sa siyudad. Hindi alak at panlalalaki ang layunin ko sa pagtungo sa Boracay o kahit sa anumang isla pa. Hindi ko ugaling maghanap ng ganoon. Gusto kong magpakasasa sa dagat hanggang ako’y kumulubot at mangitim. Saka, nagdududa akong may makakapansin sa akin. Nilinaw naman ni Cherry na hindi salat sa pagkakataon ang mga malulusog na tulad namin sa islang ito. Sumang-ayon naman ako, nakuha ko kasing magsuot ng panligo nang walang agam-agam. Totoo ngang walang pakialaman doon.

Halos wala nang makainan sa sobrang dami ng tao. Hindi pa naman ako gutom pero gusto ko nang kumain kung saan may bakanteng mesa. Natatakot akong baka matuklasan ni Cherry ang pagka-tamagotchi ko. Pilit namang inaalam ni Cherry kung ano ang gusto kong kainin. Wala namang partikular na putahe. Hindi rin nagtagal ay nakahanap kami ng makakainan. Um-order ako ng steak. May kamahalan pero sulit naman dahil tunay na malasa ito.

Kahit na ilang beses na akong tumanggi, nanaig pa rin ang kagustuhan ni Cherry na uminom kami pagkatapos. Isang bote lamang, giit niya. Naaliw ako sa aming napiling lugar. Masarap ang bean bag na aming inupuan. Matapos nito, nagkasundo kaming umakyat sa groto. Low tide na kasi. Nang dumating ako, hindi ka makakapanhik dito dahil sa taas ng tubig.

Dahil may nakikita kaming mga batang tila nakatuwad at may pinupulot sa tubig, binanggit ni Cherry na hindi pinahihintulutang mangisda ang mga residente dito. Kaya napipilitan silang manguha ng ibang lamang-dagat na pwedeng makain. Subalit maging ito ay mahigpit na ipinagbabawal din. Ano naman ang kakainin nila? Probinsiya man ito, matataas pa rin ang presyo ng mga bilihin sapagkat tanyag itong destinasyon para sa mga turista.

Nagpatuloy siyang isang impyerno ang Boracay, hindi ito isang paraiso tulad ng inaakala ng nakararami. Hindi ko naman maunawaan kung bakit at hindi ko rin masabi kung nais ko nang malaman ito. Talamak raw ang prostitusyon at pagtutulak ng pinagbabawal na gamot dito. Ang dami kong nakitang mga Pilipinang nasa piling ng mga banyaga. Ayoko ko sana silang husgahan subalit mahahalata naman ito sa kanilang pananamit. Hindi ko naman alam ang ukol sa droga.

Nagpaumanhin siya, pakiwari niya’y nagkalamat na ang aking pagtingin sa Boracay dahil sa kanyang mga tinuran. Wala naman siyang dapat alalahanin. May sumira na ng aking biyahe bago pa ako lumisan. Ipinagtapat ko ang sama ng loob ko sa aking ina at sa kanyang pagtutol na tumulak ako ng Boracay. Sabi niya, mas malayo ang mararating ng pera ko kung gagastusin ko sa mga makakahulugang bagay. Puro pasarap lang daw ako ng buhay. Ang masaklap pa rito, hindi niya na ako iniimik ilang araw bago ako umalis. Nakakasama ng loob magkaroon ng magulang na hindi sinusuportahan ang mga hilig ko. Ganyan na siya kahit noon pa. Sukdulan ang pagkontra niya sa aking pagsusulat at sa napiling kurso sa kolehiyo.

Hindi ko inaasahang mabubuksan ni Cherry ang aking puso nang gabing iyon. Kunsabagay, sadyang mas madaling magtapat sa isang estranghero. Siguro dahil hindi ka nila kilala at hindi na muling makakadaupang-palad sa susunod.

Napalitan naman ng kaba ang aking nararamdaman nang mapansing dumagsa ang kalalakihan sa ibaba ng groto. May ilan namang umakyat rin sa bandang tuktok. Agad akong niyaya ni Cherry pabalik sa aming silid. Pakiwari niya’y may magaganap na hindi maganda. Dali-dali kaming bumaba.

Nang matanaw ko na ang mga kastilyong buhangin, naging marahan na ang aking paglalakad. Akala ko noon ay nakatayo na ito dati pa. Ayon sa isang binatilyong lumikha nito, nag-uumpisa sila, sa tulong ng ibang batang nakapalibot doon, ng mga bandang ika-apat ng hapon. Nakakamangha ang mga taas at mga detalye nito. Hindi ko maikubli ang panghihinayang na hindi ko dala ang aking digital camera. May kamera nga ang aking cellphone pero hindi ako tiwalang magiging malinaw ang kalalabasan. Wala rin namang kamera si Cherry. Kumuha ako ng barya at nilagay sa lata na nilaan ng mga kabataan para sa mga donasyon. Tumulak na rin kami pabalik sa aming silid.

Hindi naging mahirap para sa akin ang makatulog nang gabing iyon. Kung tutuusin, tatlumpung oras na rin akong gising noon. Sa ibang pagkakataon kasi, sobrang hirap akong makahanap ng tulog. Hindi naman ako namamahay pero sadyang mailap sa akin ang antok kahit gaano man ako kapagod. Nang gabing iyon, sa ganap na ika-labing-isa ng gabi, hindi na ako dumilat pa pagpikit ng mga mata ko.

Nagising ako sa pagtunog ng aking alarm sa cellphone. Tunay na mahimbing ang tulog ko. Sanay na kasi akong magising bago ang takdang oras ng pag-alarm nito. Kung hindi man, paputol-putol ang aking tulog. Ika-pito’t kalahati na ng umaga. Dali-dali akong nagpalit sa aking panligo. Oras na upang ialay ang aking balat kay Reynang Araw!

Sarado pa ang silid nina Alex. Wala akong narinig ni isang kaluskos mula sa aking kinatatayuan. Nagalak naman ako sa oportunidad na mag-isa. Halos takbuhin ko ang daan patungo sa tabing-dagat. Natatakot akong baka bigla silang magising. Nang mailatag ko na ang aking sarong at iba kong gamit sa buhangin, saka na ako nagpadala ng mensahe sa magkapatid ukol sa aking kasalukuyang lokasyon. Natatandaan kong binanggit ko sa kanila ang aking hangaring magpa-tan pero minabuti ko pa ring ipaalala sa kanila. Naging maasikaso sila sa akin, ayoko naman silang mag-alala ukol sa aking kalagayan.

Lumangoy muna ako nang ilang saglit saka nagpahid ng tanning lotion sa buong katawan bago humilata sa aking sarong. Nakaramdam ako ng pangungulila sa aking kamera. Matutuwa malamang si Lovelove kapag nakita niyang dinala ko sa Boracay ang binigay niyang sarong. Kapag humahapdi na ang aking balat, babangon ako upang magtampisaw at lumangoy. Tapos babalik ako sa aking sarong upang magpasunog. Inaamin kong medyo mahirap ang pagdapa para sa akin. Kaya nagbungkal ako buhangin saka nilapat ang aking sarong. Laking ginhawa para sa aking mga suso!

Walang katumbas na ligaya at kapayapaan ang naramdaman ko roon. Tila blangko lamang ang aking isipan. Hindi ko makuhang bigyang-pansin ang mga ibang tao. Para akong mag-isa sa paraiso. Lumusong ako muli para mapreskuhang muli. Natakam ako sa mga milkshakes sa Jonah’s. Ayon sa aking mga kaibigan, isa iyon sa mga dapat kong maranasan sa Boracay.

Nang bumalik ako sa aking sarong, nakatunghay lang ako sa karagatan. Hindi pa rin humuhupa ang aking paghanga. Nagulat ako nang may tumawag sa aking pangalan. Lalaki ang nagmamay-ari ng tinig na iyon.

“Doods?!” Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Si Doods ay dati naming ka-opisina ni Mark. Matagal-tagal na rin siyang nagbitiw.

Binalita niyang wala pa siyang trabaho. Naririto siya kapiling ang kanyang pinsang balikbayan. Sagot raw nito ang lahat ng gastusin niya sa loob ng labing-isang araw nilang paglagi sa Willy’s. Sa Dakak naman daw sila sa susunod na linggo sa loob ng limang araw. Libre pa rin! Abot hanggang tainga ang kanyang ngiti, abot anit naman ang taas ng kilay ko. Kung ganyan naman ang mga pagkakataong lumalapit sa iyo kung wala kang trabaho, nanaisin ko na ring maging tambay!

Inalok niya ang hawak niyang shake mula sa Jonah’s. Tumanggi naman ako, matitikman ko rin ito maya-maya. Nagtanong naman siya kung sino ang kasama ko. Sumagot akong mag-isa lamang ako. Nagulat siyang mabatid ito. Hindi nagtagal ay lumisan na siya upang bumalik sa resort.

Ilang minuto pa, narinig ko na ang tinig ni Alex. Bakit raw ako nasa lilim kung gusto kong magpa-tan. Kasama niya sina Cherry at Jersey. Ipinaliwanag kong sumilong muna ako nang magkita kami ni Doods, nasisilaw kasi ako mula sa aking kinauupuan kanina. Ayon kay Cherry, tagumpay naman ang aking pagpapaitim. Bakat na ang linya sa ilalim ng aking tankini. Niyaya nila akong mag-almusal. May gusto raw ba akong kainan? Jonah’s lamang ang nasa isip ko noon. May makakain naman doon bukod sa milkshakes.

Inalok nila akong mag-flying fish. Mas masaya raw ito kumpara sa banana boat. Sumang-ayon naman ako. Habang naghanap sina Alex at Jersey ng nagpapatakbo ng flying fish, nagtungo naman kami ni Cherry sa Jonah’s upang mamili ng agahan naming lahat. May katagalan ang kanilang serbisyo. Pagdating nina Alex, minungkahi niyang kumain na lang kami pagkatapos ng flying fish. Handa na kasi ang magpapatakbo nito. Saka hindi magiging kumportable ang aming sakay kung busog kami. Baka appendicitis ang abutin namin. Tama nga naman ang kanyang katwiran.

Dahil kilala ni Alex ang magpapa-andar nito, mas mura ang singil nila. Naghati kaming apat sa aming bayad.

Iyon ang una kong pagkakataong makakita ng flying fish. Tulad ng banana boat, pinalolobo ito upang masakyan ng tao. Mas malaki ito at bahagyang nakataas ang harapan. Pagkasuot namin ng life vest, lumugar na kami sa espasyo para sa mga pasahero. May mga hawakan kami sa taas ng aming ulo at kailangan naming dumapa. Kailangan naming kumapit habang umaandar ito nang ubod ng bilis sa loob ng dalawampung minuto. Kapag may nahulog, titigil ang flying fish upang makasakay muli ang pasahero. Mas pabor ako sa ganitong kondisyon. Nagunita ko ang mga kaibigan kong nahirapan na iahon ako noon sa banana boat. Tinakot ko ang sarili kong maiinis sila kapag nahulog ako. Bago umandar ito, nagpahiwatig si Alex ng kanyang paniniwalang kakayanin naming ito. Mas maganda raw kung walang mahuhulog upang masulit namin ang aming bayad. Tama!

Hindi pa nag-uumpisa ang lahat ay mabilis na ang tibok ng puso ko. Nagtatalo ang kaba at pananabik. Hinigpitan ko ang kapit. Natutusok na ng mga kuko ko ang palad ko. Hindi ako mahuhulog!

Lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko nang umusad na kami. Tunay na mabilis ang pagpapa-andar. Napapahiyaw ako sa tuwa. Napapatihaya, napapatagilid at napapadapa uli kami. Nahuhubaran naman daw si Cherry, unti-unti nang bumababa ang kanyang shorts. Natawa kaming lahat.

Natatandaan kong hindi ko magawang imulat ang mata ko habang nakasakay sa banana boat. Nakakasilaw kasi ang araw at natatalsikan ng tubig-dagat ang mga mata ko. Sa pagkakataong iyon, dilat ako kaya’t nakikita ko pa ang mga ibang islang nadadaanan namin.

Ang tantya ko ay malapit nang matapos ang aming pagragasa; bumilib ako sa sarili kong kakayahang kumapit. Subalit bigla akong napabitaw! Totoo pala ang dati ko pang naririnig na “Ang bilis ng mga pangyayari!” Hindi ko matandaan kung ano ang nagdulot ng aking pagkakatapon sa dagat. Nahirapan akong tanggapin ito! Sinikap kong bilisan ang paglangoy patungo sa flying fish. Nagtatawanan sina Jersey at Alex. Nahulog rin pala si Cherry. Pero mas malapit naman siya kumpara sa akin. Hindi muna siya lumapit, malamang inayos ang kanyang salawal. Tulad naman ng aking karanasan sa banana boat, hindi ko agad maisampa ang sarili ko. Hinila pa nila akong tatlo. Nahiya naman ako, mahirap kasi ipaliwanag kung bakit mabigat pa rin ako kahit nasa tubig.

Pumuwesto uli kaming apat at nagpatuloy ang flying fish. Isang panibagong yugto na naman ito ng hiyawan at pagbali-baligtad. Nang ganap nang tumigil ito, nanatili kaming nakadapa habang humihingal. Masaya siya, nakakahapo nga lamang. Napuna kong medyo masakit ang aking tuhod. Ininda ko naman ito, malamang tumama lamang ito sa kung saan. Nasa buhangin na kami’t naglalakad patungo sa Jonah’s pero napapailing pa rin ako sa saya. Gusto ko pa!

Naputol ang aking pagpaplanong mag-flying fish uli pagbalik nang dineklara nina Alex at Jersey na hindi muna sila kakain. Biglang nagkaroon ng kliyente si Alex. Magnenegosyo naman daw muna si Jersey. Si Cherry na raw ang bahala sa akin. Nang mga sandaling iyon, napagtanto kong gutom na ako at nais kong maisakatuparan ang kagabi ko pang hangaring mag-sinigang na baboy. May nirekomendang kainan si Cherry kagabi, lilampung piso lang raw para sa ulam na pang-dalawang tao at kanin. Dinala niya ako sa Burberry upang mananghalian. Desidido akong mag-milkshake sa Jonah’s pagkatapos.

Halos tanghali na rin noon kaya matao na sa paligid. Habang nag-aabang sa aking sinigang, nagpalinga-linga ako sa mga tindahan. Nadiskubre kong bukod sa pagbebenta ng load, may serbisyo pala na nagpapa-renta ng cellphone. Ayon kay Cherry, may mga banyagang turistang na nangangailangan nito.

Sa pagtingin-tingin ko sa paligid, napansin ko ang presenya ng artistang si Katya Santos. Dinagdag naman ni Cherry na naglipana ang mga artista roon, lalo na si Marc Nelson. Halos doon na raw tumira sa Boracay. Noong isang araw daw, nagkagulo ang mga taga-roon dahil nasa isla pala ang mga artistang Koreano na tauhan sa isang Koreanovela. Halos hindi na ako nakakanood ng telebisyon kaya hindi ko kilala ang kanyang binanggit na artistang Koreano.

Dumating na ang aking sinigang bago pa tuluyang kumalam ang aking sikmura. Mainit na mainit pa ang sabaw. Naibigan ko rin ang asim nito. Tulad ng inaasahan, sariwang-sariwa ang gulay. Sulit! Akalain mong limampung piso lang ito? Kailangang mabalitaan ito ng tatay ko.

Nang mabusog na kami, nilisan na namin ang Burberry upang maglakad-lakad at magkuha ng litrato sa aking cellphone hanggang sa marating naming ang Jonah’s. Nakakatuwang kasama si Cherry, lagi siyang tagumpay na patawanin ako. Nakakasiguro akong hindi siya nagtatangka. Ramdam kong likas na ito sa kanya. Hindi ko maiwasang makita ang sarili ko sa kanya. Ako rin kasi ang komedyante pagdating sa barkada.

Dahil paborito ko ang lasa ng tsokolate, chocolate milkshake ang napisil kong bilhin sa Jonah’s. Naaliw ako sa hitsura ng plastik na bote na naglalaman nito. Nakaukit kasi ang logo ng Jonah’s. Halatang pinapasadya nila ito. Mabilis ang desisyon kong iuwi ito sa Cavite bilang alaala ng aking katangi-tanging karanasan.

Sumakay na kami ng traysikel pauwi. Kailangan ko kasing dumaan sa ATM para sa aking gagastusin sa pamimili ng pasalubong. Bukod pa roon, mas masakit na ang aking tuhod. Agad akong naligo at nagbihis nang mapag-isa. Napakagulo tignan ng aking silid. Hindi ko muna inayos kasi mag-aayos din ako pagkatapos kong mamili.

Sinamahan ako ni Cherry sa Talipapa. Wala siyang bibilhin kaya pakiwari ko’y abala talaga ako sa kanya. Lalo na nang hindi ko na maikubli ang matinding sakit sa aking tuhod. Napuna niya kasing lagi akong nahuhuli. Tumitigil siya hanggang mag-abot kami, minsan nama’y binabalikan niya ako upang sabay kaming maglakad.

Nakabili ako ng piyaya at iba pang pagkain na ipamimigay sa mga kaibigan at kapatid at tank top at linen pants para sa sarili. Pinigil ko naman ang sarili kong bumili ng dreamcatcherbag ang aking iuuwi para sa kanya. Pareho kasi kaming mahilig sa malalaking bag. Sigurado akong maiibigan niya ito. Umaasa rin akong magiging paalala ito ng aming pagkakatulad kesa lalong paghiwalayin ng aming pagkakaiba, lalo na ng aming interes sa paglalakbay. sapagkat alam kong mas masuwerte ito kung bigay ng iba. Pabago-bago naman ang aking isip kung bibilhan ko rin ang aking nanay. Hindi man ako binigyan ng diretsong payo ni Cherry, napagtanto ko ring ibig ko siyang bigyan. Matapos ng matagal na pamimili, isang malaking Boracay

Ika-tatlo na ng hapon nang ako’y matapos sa pagsuyod ng Talipapa. Nagimbal ako nang mapansin ang oras. Ika-lima’t kalahati kasi ng hapon ang takdang oras ng paglipad ko pauwi ng Maynila! Naliligaw kami ni Cherry. Bukod pa rito, hindi pa ako nakakapag-impake! Binanggit sa akin ni Cherry na ganap na ika-apat naman ang huling luwas ng bangka patungong pantalan. Mapanganib na kasi ang alon kapag inabot na ng takipsilim. Hindi ko na mapigilan ang kabog ng aking dibdib.

Kahit saan kami dumaan ni Cherry, hindi namin matanaw ang kalsada. Sa aking kaba, halos nalimutan ko ang sakit ng aking tuhod. Kailangan ko ng traysikel higit kailanman! Pasalamat ako nang nahanap na namin sa wakas ang daan pauwi at nang makatawag na kami ng traysikel. Pero hindi pa rin nagbabago ang bilis ng aking pulso.

Nilipad ko ang daan patungo sa aking silid. Bakit kasi nasa dulo pa ito? At, sa dinami-rami ng pagkakataon, bakit kailangang ngayon pa kumirot nang ganito ang aking tuhod? Kahit na gahol na sa oras, hindi ko matagalan ang lagkit ng aking balat sa pawis. Nakuha ko pang maligo. Habang ginagawa ko ito, naglalaro sa aking isipan na magpaiwan sa isla. Pero hindi talaga maaari.

Lalo akong nataranta nang tumambad sa aking paningin ang ga-bundok na damit. Hindi ako magkandatuto sa pagkahot at pagtiklop ng mga gamit ko. Gigil na gigil ako sa pagpiga ng mga basang damit, sarong at tuwalya. Hindi ko na nagawang pagpagin pa ang buhangin sa mga tsinelas ko, pinasok ko na agad sa plastik. Pinilit kong pagkasyahin ang lahat ng aking gamit sa aking backpack at ang aking mga pasalubong sa Boracay bag na nakalaan para kay Mama. Halos ayoko nang tignan ang aking orasan.

Hinatid ako ni Cherry sa sakayan ng mga bangka sa Station 1. Nasasaktan siya para sa akin, hindi niya naiibigan ang hitsura kong ika-ika maglakad at halos makuba sa dami ng dala. Nagtangka akong magpaalam kay Alex at Jersey para wala sila noon sa kanilang silid. Nagpadala na lang ako ng mensahe kay Alex. Nakakalungkot na hindi ako makakapagpaalam nang maayos. Makakarating naman daw ang aking pagbati, sabi ni Cherry.

Habang nagtatagal ay lalong sumasakit ang tuhod ko. Bago ako sumampa, hinarang ako ng isang taga-buhat. Umiling ako, hinding-hindi ako magpapabuhat. Kayang-kaya ko ang sarili ko. Marahil hindi siya nakumbinse sa pag-iling ko, umupo siya sa aking gilid at pinuwesto ako sa kanyang mga balikat. Nagpumiglas ako, kaya naman pagewang-gewang kami nang tumindig na siya. Huwag ko raw labanan at baka mahulog ako. Natakot naman ako, pakiwari ko kasi’y hinihila ang taas na bahagi ng aking katawan. Sapat na ang isang aksidente. Inaamin kong maginhawa ang pakiramdam nito, sobrang sakit kasi talaga kapag dinidiretso ko ang aking kaliwang tuhod. Nagpasalamat ako at nagbigay ng bayad. Hindi na iyon mauulit.

Puno ng alaala ang aking isipan at hindi ko matanggal ang ngiti sa aking mukha habang lulan ako ng bangka. Bitin man ako, tunay na espesyal pa rin ang aking naging karanasan. Narating ko na ang isa sa ipinagmamalaking isla ng ating bansa, bininyagan ako bilang Vivian, natamo ko ang aking pinaghirapang tan lines, naranasan ko ang flying fish at nagsilbing inspirasyon sa akin ang magkapatid na Cherry at Alex. Nakaramdam na ako nang lungkot nang tumila na ang bangka. Lilisanin ko na talaga ang isla.

Naging mahirap para sa akin ang bawat hakbang. Buti na lamang at nakaabot ako sa oras kaya hindi ko kailangang takbuhin ang daan. Malayo pa lamang ako sa pasukan ng paliparan, nararamdaman ko na ang habag sa akin ng mga guwardiya. Nang makalapit na ako, pinakita ko sa kanila ang aking ID. “Mag-isa ka lang?” tanong ng isa. Umoo ako. Nang makita ng isa ang aking ID, nagwika siyang, “Sykes Asia? Kanina pa sa loob ang mga kasama mo.” Nilinaw kong mag-isa lamang ako. Maaaring mula kami sa iisang kumpanya, pero mag-isa lamang ako. Nabasa ko ang pagtataka sa kanilang mukha.

Naaawa man ako sa sarili ko sa ika-ika kong paglalakad, nakaramdam ako ng bilib sa sarili na nagawa kong maglakbay mag-isa. Kahit noong una ay may alinlangan ako at nakaramdam ng desperasyon na magsama ng kahit na sino, tumuloy pa rin ako at tunay na naligayahan. Dahil matagumpay ako, hindi na ako natatakot na tumulak sa isang destinasyon mag-isa. Batid kong kakayanin ko na.

Labels: , , ,


Tuesday, April 29, 2008
 
SPRING IN JAPAN by Mary Lu
Ah, Japan: the home of sushi, geisha, and giant robots. It was the beginning of spring when I first arrived Tokyo, and I must admit, I'd had quite a number of surprises in the beginning of my stay there. There was my amazement at seeing young people dress up like vampires and baby dolls and converging in front of a shrine. There was also my astonishment at finding out there were such things as fetish cafés there, where the waitresses were dressed up as French maids! But one of the more pleasant surprises I had was seeing how truly beautiful nature was in Japan.

It was some time during the first week of April when some friends took me to Yoyogi Park, a huge garden in the Shinjuku-Shibuya area of Tokyo, for what they called a “Hanami.” The word literally means, “see flowers,” particularly, a small five-petaled flower called Sakura.

Sakura, or Cherry Blossoms, bloom only once, and stay in bloom for only a few days, in the beginning of spring. I was lucky enough to arrive in time for that.

When we arrived Yoyogi Park, the Sakura trees were filled pink with flowers. There were no leaves. Only unadulterated beautiful light pink. And when the wind blew, the blossoms fell from the trees like pink snow. It was exactly like the calendar pictures and comic book illustrations I'd seen of Cherry Blossoms. Even more breathtaking, in fact, because I could actually touch the lovely flowers.

We spread a mat under one of the trees and had a picnic of sandwiches, chips and bottled tea... as did hundreds of other visitors spread out all over the park. We had a wonderful time eating, talking and admiring the celebrated blooms when I noticed some black spots on the Sakura trees.

Crows. Swarms of them. And there was something unsettling about seeing ominous black birds perched on harmless pink trees. Especially when one popular Japanese comic book claimed the reason why Sakura was pink was because the tree sipped the blood of a corpse beneath its roots, thus coloring what should have been white flowers. We got used to them after a while, though. They had to be frightened away or the chicken-sized scavengers would take our food. Crows are the Japanese equivalent of our alley cats. They would perch above and watch you eat or take your trash out. Then as soon as you release your garbage, they would swoop down and tear through it.

After we had eaten, some of my friends decided to go off and play badminton. I was contented where I was so, I declined, sat back and took in more of the view. Several of the locals were playing badminton, too. But most of them continued to sit on their mats and drink. I saw a beer can in the hand of almost every member of each group in the park. This reminded me that alcohol was an integral part of a Japanese celebration. Food is good, but no party is a party without beer or sake.

Speaking of food, there's actually more to Japanese cuisine than just sushi and tempura. Like most developed cities, Tokyo has its share of store-bought prepared food. Looking about the park, I saw that the locals brought along plastic bento boxes containing food they had bought from the supermarket. (We were cheapskates. We prepared our own sandwiches.) Their food looked really tempting. There was rice topped with bits of dried seaweeds and sesame seeds. They had viands of tempura, teriyaki chicken or some breaded patty. And of course, they had colorful side dishes made from radish, lotus roots, and several other vegetables.

One thing I can say about Japanese cuisine (and almost anything Japanese, actually), is that they're very well-prepared. A bento box, even one from the supermarket, will always be garnished. There will always be this elegant play of texture and color. And just as the Japanese scenery in spring, it will always be physically designed to take one's breath away.

The cawing of the crows signaled the sunset. Our Hanami had come to an end. No doubt the locals would be off to continue their celebration with harder drinks somewhere in the bars of Shibuya. As we packed our things to leave, I couldn’t help but take one last look at the trees we had come all this way to admire. The flowers were half gone now, blown away by the cold spring wind.

I saw the Sakura bloom twice more after that. And even then, I couldn’t help but admire the small short-lived flowers. To my mind, the picture they created was perfect. The flowers in their numbers set against the clear blue sky were magnificent, while their delicate pink color and the crows that perched on their branches hinted at an underlying darkness. The scene they created was one of tranquility, of vulnerability, and of a sad and strangely Gothic type of beauty that makes memories of them ones I shall treasure in my heart forever.

Powered by Blogger